Dakpin si Palparan! Hustisya para kina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan!9 January 2012
Pagkatapos ng limang (5) na taon ng imbestigasyon, nakapagpalabas din ng resolusyon ang Department of Justice (DOJ) na dakpin at ikulong si Ret. Maj. General Jovito Palparan, na dating Commanding General ng 7th Infantry Batallion ng Philippine Army, kasama ang iba pang mga kasabwat niya sa kasong two-count of kidnapping at serious illegal detention sa dalawang estudyante ng UP na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan. Sina Karen at Sherlyn ay dalawang estudyante ng UP na nadinukot ng mga elemento ng militar at patuloy pa ring nawawala mula pa noong ika-26 ng Hunyo 2006 sa isang peasant community kung saan sila ay nakipamuhay sa mga magsasaka. Apat na araw pagkatapos ilabas ang resolusyon, nagtangkang tumakas si Palparan patungong Singapore subalit napigilan siya ng mga immigration officials. Taliwas ito sa sinabi niyang hindi na kailangang ilagay pa ang kanyang pangalan sa watchlist dahil hindi naman daw siya lalabas ng bansa. Nagpapatuloy pa rin ang “Culture of Impunity” Sa tatlong taong-termino ng dating pangulo na si Gloria Macapagal-Arroyo, hindi nabigyan ng hustisya sina Karen at Sherlyn. Sa ilalim din ng rehimeng Arroyo ang napakaraming kaso ng extra-judicial killings at enforced disappearances kasabay ng kanyang kontra-insurhensiyang kampanya na “Oplan Bantay-Laya (OBL) 1 at 2” kung saan pati mga inosenteng sibilyan ay naging biktima, kung hindi man pinatay, ay dinukot at hanggang ngayon ay nananatili pa ring nawawala. Dalawang taon mula ng mahalal bilang pangulo ng bansa si Pang. Benigno Aquino III, mabagal din ang naging pag-usad sa libu-libong kaso ng paglabag sa karapatang pantao. Nanatili at nagpatuloy lamang ang kultura ng pasismo sa mukha ng "Oplan Bayanihan" na sa esensiya ay ekstensyon lamang sa naunang OBL ng nakaraang rehimen. Nagpatuloy at nananatiling 'di matibag-tibag ang problemang kinakaharap ng bansa at ng mamamayan nito. Lumala at nadagdagan ang bigat ng problemang araw-araw na pinapasan ng bawat Pilipino. Nanatiling bulag at bulok ang sistema ng hustisya. Palaki nang palaki ang agwat ng pangaraw-araw na kalakaran ng mga nang-aaping uri at mga uring pinagsasamantalahan. Ang bilang ng mga kaso ng pagkawala at pagpatay ay patuloy na dumarami. Panagutin ang may-sala! Dakpin si Palparan! Isang matamis na tagumpay sa kasaysayan ng hustisya ang pagkasa ng kaso laban kay Palparan sa pamumuno ng mga militanteng grupo sa tulong din ng DOJ sa pamumuno ni Sec. Liela de Lima. Isa rin itong tagumpay sa pagpapaigting ng mga kampanya sa pagkamit ng totoong hustisya sa mga naging biktima ng extra-judicial killings, enforced disappearances at sa mga naging political prisoners. Ngunit patuloy pa rin ang kabalintuan ng mga nasasakdal at nagpahayag pa ng pag-apela para sa bagong preliminary investigations ang kampo ni Palparan kasabay ng kanyang kasalukuyang pagtatago sa publiko. Kasama tayo sa UP Community na sasali sa prosekusyon at pagkundena sa inaapelang new preliminary investigation ng kampo ni Palparan. I-recall ang warrant of arrest at departure order at i-suspendi ang mga proceedings. Sa kasalukuyan, umabot na ng isang milyong piso buhat sa limandaang libong piso ang patong sa ulo ni Palparan buhat sa kanyang pagtangkang pagtakas at pagtatago. Dakpin si Palparan! Pagbayarin siya at ang mga kasabwat niya sa kanyang mga kasalanan at tuluyan ng ipasok sa kulungan! Hustisya para kina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan! Wakasan ang Pasismo ng Esatado! ISKOLAR NG BAYAN, SAMA-SAMA TAYONG MAG-MAN HUNT KAY PALPARAN! | be involved |